Lacson kumasa sa lie test
MANILA, Philippines — Kinasahan kahapon ni Sen. Panfilo Lacson ang hamon ni Speaker Alan Peter Cayetano na sumailalim sa lie detector test.
Sinabi ni Lacson na nakahanda siya na magpa-lie detector upang malaman kung sino talaga ang korup.
Matatandaan na bukod kay Lacson ay hinamon din ni Cayetano na sumailalim sa lie detector test si Minority Leader Franklin Drilon.
Hindi nagustuhan ni Cayetano ang ginawang paghahalintulad ni Lacson sa P1.5 bilyong pondo para sa SEA Games sa pork barrel case ni Janet Lim-Napoles.
Kinuwestiyon ni Lacson ang hindi pagdaan ng pondo sa public bidding.
Nilinaw din ni Lacson, na wala siyang sinasabi na pork barrel o may corruption sa paggasta ng pera ang Phisgoc.
“I’m not accusing them na may misspending unlike what Mr. (Ramon) Suzara (Phisgoc chief operating officer) pointed out na ina-accuse ko silang may misspending or misspent funds. Wala naman akong sinabing ganoon,” ani Lacson.
- Latest