^

Bansa

Suplay ng galunggong kinakapos

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Suplay ng galunggong kinakapos
Ayon kay Ed Gongo­na, director ng Bureau of Fisheries and Aqua­tic Resources (BFAR), plano nilang mag-import ng may 45,000 metric tons ng maliliit na pelagic fish kasama na ang galunggong, gayundin ng mackerel dahil sa kakulangan ng suplay ng naturang mga isda.
Michael Varcas/File

DA mag-aangkat

MANILA, Philippines — Plano ng Department of Agriculture (DA) na mag-angkat ng isdang galunggong upang mapunan ang kakulangan ng suplay sa ngayon.

Ayon kay Ed Gongo­na, director ng Bureau of Fisheries and Aqua­tic Resources (BFAR), plano nilang mag-import ng may 45,000 metric tons ng maliliit na pelagic fish kasama na ang galunggong, gayundin ng mackerel dahil sa kakulangan ng suplay ng naturang mga isda.

Sinasabing tumaas ang halaga ngayon ng kilo ng galunggong na umaabot sa P250.00 kada kilo mula sa dating P170 kada kilo dahil sa kakulangan ng suplay.

Kaugnay nito, sinabi naman ng fisherfolk na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) na hindi na kailangan pang mag-import ang ating bansa ng naturang mga isda.

Dadagsa umano ang suplay ng naturang mga isda sa bansa kung itutuloy ang importasyon.

Anya, ang kasaluku­yang shortfall sa 3 buwang fishing ban ng BFAR ang ugat kaya’t nagkaroon ng kakula­ngan sa suplay pero kung isesentro lamang ng ahensiya ang pagpapadami sa bilang ng mga isda, hindi na kailangan pang mag-ang­kat.

vuukle comment

ED GONGO­NA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with