Registration sa national ID aarangkada na sa 2020
MANILA, Philippines — Pagsapit ng kalagitnaan ng susunod na taon ay magsisimula na ang nationwide registration para sa national ID o Philippine Identification System (Philsys). Ayon kay Marc Laurente project development officer ng Philsys ng Philippine Statistics Authority (PSA), plantsado ang lahat ng aspeto para sa implementasyon ng Republic Act 11055 matapos itong pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong August 2018.
Sa ilalim National Identification System (Philid) iisang identification card na lamang ang dapat ipakita at hindi na kailangan ng napakaraming ID kapag may transaksiyon sa gobyerno.
Batay sa timeline ng PSA, 110 milyong Pilipino na ang target na mayroong national ID pagsapit ng taong 2022.
- Latest