^

Bansa

Leni may ibubulgar sa drug war

Helen Flores - Pilipino Star Ngayon
Leni may ibubulgar sa drug war

MANILA, Philippines — Ipinahayag kahapon ni Vice President Leni Robredo na magpapatuloy at nagpapasimula pa lang siya sa kanyang gawain laban sa problema ng bansa sa droga at ibubunyag niya sa dara­ting na mga araw ang mga natuklasan niya noong siya pa ang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.

Ginawa ni Robredo ang pahayag sa isang pulong-balitaan makaraang tanggalin siya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang posisyon bilang co-chair ng ICAD na halos tatlong linggo pa lang niyang nauupuan.

“Noong tinanggap ko ang trabahong ito, ang una kong tinanong sa kanila ay, ‘handa na ba kayo sa akin?’ Ngayon, ang tanong ko, ano ba ang kinatatakutan niyo?” sabi ni Robredo sa isang live-streamed press conference.

“Ano ba ang kinatatakutan ninyong malaman ko? Ano ba ang kinatatakutan ninyong malaman ng taumbayan?” tanong pa niya.

Naunang ipinaha­yag ni Duterte sa isang pulong-balitaan noong Nobyembre 19 na wala siyang tiwala kay Robredo dahil miyembro ito ng minoryang Liberal Party at ang umano’y imbitasyon nito sa isang dayuhang prosecutor. Humingi siya kinalaunan ng paumanhin sa pagpapaniwala niya sa pekeng balita hinggil sa imbitasyon ng bise presidente.

“Mr. President, hindi ko hiningi ang posisyong ito. Pero sineryoso ko ang trabahong ipinasa niyo,” sabi naman ni Robredo. “Ang hiling ng taumba­yan, isang gobyernong tunay na kampeon laban sa ilegal na droga. Alalahanin natin na ang mga droga at drug lord ang kalaban. Hindi ako, at lalong hindi ang taong bayan.”

Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, sinabi ng bise president na ipapalabas at ibabahagi niya sa darating na mga araw ang isang report hinggil sa mga natuklasan at rekomendasyon niya. Ipinahayag niya ang paninindigang ipagpatuloy ang laban sa bawal na gamot kahit tinanggal siya sa ICAD.

“Makakaasa kayo, kahit tinanggalan ako ng posisyon, hinding-hindi nila kayang tanggalin ang ­aking determinasyong itigil ang patayan, panagutin ang kailangang managot, at ipanalo ang kampanya laban sa ilegal na droga,” sabi pa niya. “Kung sa tingin nilang matatapos ito dito, hindi nila ako kilala. Nagsisimula pa lamang ako.”

vuukle comment

DRUG WAR

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with