^

Bansa

‘Walang web registration, walang salary loan’ - SSS

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na ngayon basta-basta makakautang ang mga miyembro ng Social Security System (SSS) kung sasailalim ito sa salary loan program ng ahensiya. Ayon sa Real-Time Process of Loans (RTPL) Quick Refe­rence Guide ng SSS, mula November 11, ang lahat ng salary loans ay kaila­ngang iaplay on-line.

Ayon sa SSS, dapat ay may web registration ang mga mi­yembrong nais na mag-salary loan at kung hindi ay hindi makakautang. Upang makapag salary loan, ang miyembro ay dapat na nakarehistro sa www.sss.gov.ph at ang mga walang access sa internet ay maaaring magtungo sa pinakamalapit na SSS Branch  sa kanilang lugar upang makapag register at mag file ng loan application sa kanilang e-Center facility.

Nilinaw naman ng SSS na ang mga cala­mity, emergency, at education assistance loans ay kailangang iaplay sa alinmang SSS branches para sa documentary requirements pero kaila­ngan ang miyembro ay nakarehistro sa My.SSS  na mandatory requirement para sa aplikasyon.

vuukle comment

SSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with