Kung ‘di na kaya, resign na!
Palasyo kay Leni
MANILA, Philippines — Malayang magbitiw sa puwesto bilang drug czar si Vice President Leni Robredo kung hindi na siya komportable sa pagiging co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
“If one is not comfortable with it, or cannot stand the heat in the kitchen, the honorable thing to do is to leave the post quietly. Resigning from a position does not lie in the hands of the assigning power,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Matatandaang sinabi ni Robredo na kung walang tiwala sa kanya si Pangulong Duterte ay sabihin na lamang ito sa kanya ng harapan.
“Dapat diretsuhin na lang ako. Diretso naman akong kausap... Kung ayaw na niya, kung nagkamali siya sa pag-appoint sa kin at gusto niyang bawiin, sabihin lang niya. Kasi ako, madali akong kausap,” pahayag ni Robredo.
Pero ayon kay Panelo, hindi dapat hinahamon ni Robredo ang Pangulo na sabihan siyang mag-resign dahil ito’y “unethical”.
“It may not be civil nor ethical for VP Leni to taunt or dare the President to tell her that he does not want her for the job she was appointed to or that he wants her to resign,” giit naman ni Panelo.
“Such taunting and daring only make it appear that President Duterte owes her for appointing her as anti-illegal drug czar. It is the other way around,” paliwanag pa ni Panelo.
Aniya, ang unang dapat ginawa ni Robredo ng italaga bilang co-chair ng ICAD ay nakipag-usap muna sa Pangulo upang alam niya ang limitasyon ng kanyang trabaho pero inunang makipagkita sa mga opisyal ng US Embassy at UN.
Matatandaang ipinasya ni Pangulong Duterte na huwag nang italaga si Robredo sa Gabinete para hindi ito magkaroon ng access sa mga classified information.
- Latest