^

Bansa

3 pang kaso ng polio naitala ng DOH

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
3 pang kaso ng polio naitala ng DOH
Sa advisory ng DOH, sinabi nito na base sa isinagawang pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at National Institute of Infectious Diseases-Japan, lumilitaw na positibo sa poliovirus ang tatlong batang biktima, na pawang na-admit sa Cotabato Regional Medical Center.
AFP File

MANILA, Philippines — Tatlong bagong kaso ng polio sa bansa ang kinumpirma kahapon ng Department of Health (DOH).

Sa advisory ng DOH, sinabi nito na base sa isinagawang pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at National Institute of Infectious Diseases-Japan, lumilitaw na positibo sa poliovirus ang tatlong batang biktima, na pawang na-admit sa Cotabato Regional Medical Center.

Kabilang umano rito ang isang 2-anyos na batang babae na mula sa Maguindanao; isang 1-anyos na batang lalaki mula sa Cotabato City at isang 4-anyos na batang babae na mula naman sa North Cotabato.

Anang DOH, hindi nabigyan ng polio vaccine ang unang dalawang kaso ng sakit habang ang huling kaso naman ay hindi nakakumpleto ng bakuna.

Dahil sa mga bagong kaso ay nasa pito na ang confirmed cases ng polio sa buong bansa.

Tiniyak ng DOH na tuluy-tuloy ang kanilang immunization program, hindi lamang sa Mindanao kung saan may mga kumpirmadong kaso ng polio, kundi sa iba pang bahagi ng Pilipinas.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with