^

Bansa

P5 milyong sobrang singil ng Grab pinasosoli

Pilipino Star Ngayon
P5 milyong sobrang singil ng Grab pinasosoli
Napag-alamang nag-overcharge ang Grab nang lumagpas ito sa 22.5 percent na allowable deviation o pagkakaiba sa presyuhan bago mag-merge ang Grab at Uber, ayon sa PCC.
File

MANILA, Philippines — Inatasan ng Philippine Competition Commission (PCC) ang Grab na i-refund o ibalik ang P5 milyong sobrang siningil ng naturang ride-hailing firm sa mga kostumer.

Napag-alamang nag-overcharge ang Grab nang lumagpas ito sa 22.5 percent na allowable deviation o pagkakaiba sa presyuhan bago mag-merge ang Grab at Uber, ayon sa PCC.

Ang overcharging ng Grab ay mula Pebrero hanggang Mayo nga­yong taon, dagdag ng PCC.

Inaasahang mata­tang­gap ng mga apektadong pasahero ang refund sa susunod na 60 araw mula nang matanggap ng Grab ang kautusan.

Bukod dito, inaprubahan din ng PCC ang voluntary commitments ng Grab para matiyak na maiwasan ang monopolya sa kompetisyon.

Sa pahayag ng Grab, sinabi nitong nirerespeto nito ang pasya ng PCC.

Makikipag-ugnayan ang Grab sa PCC para bayaran ang refund, sabi ng kompanya.

vuukle comment

GRAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with