^

Bansa

Unang kaso ng vape-illness kumpirmado

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Unang kaso ng vape-illness kumpirmado
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang biktima ay “16-year-old female from the Visayas” na nagsimulang maniga­rilyo noong Marso 2019.
Wikimedia Commons/Lindsay Fox

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang kauna-unahang kaso ng lung injury dahil sa vape o paggamit ng electronic cigarettes sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang biktima ay “16-year-old female from the Visayas” na nagsimulang maniga­rilyo noong Marso 2019.

Tumanggi na si Du­que na magbigay ng iba pang detalye.

Matatandaan na ipinagbawal na ng DOH ang pagbebenta ng e-cigarettes dahil na rin sa masamang epekto nito sa kalusugan.

Sinabi rin ni DOH Un­dersecretary Eric Domingo na suportado nila ang legislation na nagbabawal ng paggamit ng e-cigarettes dahil nila­langhap ng user ang addictive nicotine liquids.

Hindi rin napatuna­yang nicotine replacement therapy ang e-ciga­rettes at maaari lang magdulot ng lung illness.

“If you are currently using electronic cigarettes, you are at great risk for  EVALI (electronic cigarette or vaping-associated lung injury). Ask your doctor about the best ways to quit, and stay away from its aerosol emissions,” sabi ni Domingo.

Aniya, hindi nagkulang ang DOH sa mga paalala subalit tila hindi sineseryoso ng mga gumagamit.

Lumilitaw sa pag-aaral ng Estados Unidos na bagamat ginagawang alternatibo sa sigarilyo ang e-cigarettes, mas madalas pa rin ang paggamit ng e-cigarettes ng mga nagyo-yosi.

Matatandaang nagbabala ang World Health Organization na walang duda na mas delikado ang e-cigarettes at dapat lamang na iregulate.

Maging ang Food and Drug Administration ay pabor na maregulate ang manufacture, distribution at paggamit ng e-cigarettes.

Subalit kinontra at ipinatigil ng korte ng Pasig at Manila ang implementasyon nito bunsod na rin ng isinampang kaso ng dalawang kompanya.

vuukle comment

VAPE-ILLNESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with