^

Bansa

Swimming ipinapasama sa school curriculum

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa dami ng mga kabataang Filipino na nalulunod taun-taon, iginiit ni Sen. Sonny Angara na isama sa curriculum ng primary at secondary schools ang subject na swimming.

Sa Senate Resolution 204 ni Angara, ipinunto nito na base sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO), nasa 3,000 kabataang Filipino na may edad na 6-14 ang namamatay sa pagkalunod taun-taon.

Sinabi ng WHO na ang pagkalunod ay isang seryoso pero binabalewalang public health threat kung saan umaabot sa 372,000 ang namamatay taun-taon sa buong mundo.

Lumalabas din na may mataas na kaso ng pagkalunod sa mga mahihirap at middle-income na bansa kung saan karamihan sa mga biktima ay mga bata.

Ang Pilipinas ay isang archipelagic na bansa na may 36,289 kilometrong coastline kaya may mataas na incidence ng pagkalunod lalo na sa mga nakatira malapit sa tubig.

Umaabot din sa average na 20 bagyo ang dumadaan sa Pilipinas kung saan maraming lugar ang nakakaranas nang matinding pagbaha.

Ayon pa kay Angara, ang mga bansa na katulad ng Canada at England ay may swimming lessons sa kanilang school curriculums bilang proteksiyon sa kanilang mga kabataan.

Sa mga siyudad ng Winnipeg sa Manitoba, Canada, ang mga estudyante sa grades 3 at 4 ay tinuturuan na ng basic swimming skills at water safety education.

vuukle comment

SWIMMING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with