Robredo puwedeng sibakin
Hindi exempted
MANILA, Philippines – Hindi exempted si Vice-President Leni Robredo sa ipinapatupad na patakaran ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng miyembro ng kanyang Gabinete kung saan ay puwede niya itong sibakin anumang oras kapag hindi nagustuhan ang naging performance nito.
Ito ang idiniin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ngayong bahagi na ng Gabinete si Robredo at nagsisilbing drug czar sa ilalim ng Duterte administration.
Sinabi ni Panelo na gaya ng iba pang cabinet members ay daraan din sa evaluation at assessment ng Pangulo ang magiging performance ni Robredo.
Inihayag pa ni Panelo na may kapangyarihan ito na tanggalin sa puwesto hindi lang si Robredo kundi pati ang iba pang miyembro ng Gabinete kung hindi magpe-perform ang mga ito.
Matatandaang isa ang incompetence sa mga dahilan para tanggalin ng Pangulo sa puwesto ang isang government official bukod sa kung ito ay masasabit sa isyu ng corruption.
- Latest