^

Bansa

Pia Wurtzbach sumunod sa 'no makeup' look ni Catriona; Imperfections niyakap

James Relativo - Philstar.com
Pia Wurtzbach sumunod sa 'no makeup' look ni Catriona; Imperfections niyakap
"[N]gayong araw, kinukuha ko ang litratong ito para kamustahin ang SARILI. Ako lang. Walang makeup. Walang glam team. Walang styling. At gusto ko ang nakikita ko."
Mula sa Instagram account ni Pia Wurtzbach

MANILA, Philippines — Upang engganyohin ang iba pa na mahalin ang sarili, kumasa si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa #AsSheIs challenge at humarap sa social media nang walang kolorete — kung saan ipinakita niyang walang kaso sa pagkakaroon ng kapintasang pisikal.

"Araw-araw, lumalaban tayo para maging kumportable sa kanya-kanya nating imperfections," sabi niya sa Inggles sa kanyang Instagram post.

"Pero ngayong araw, kinukuha ko ang litratong ito para kamustahin ang SARILI. Ako lang. Walang makeup. Walang glam team. Walang styling. At gusto ko ang nakikita ko."

Ninomina siya sa hamon ng kapwa beauty queen na si Demi-Leigh Nel-Peters, na Miss Universe 2017 mula sa South Africa. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Pia Wurtzbach (@piawurtzbach) on

 

Ayon kay Pia, maiksi ang buhay kung kaya't dapat daw ay maging mabait sa sarili.

"Gamitin natin ang mukha at katawan natin bilang instrumento, hindi bilang palamuti. Para mag-inspire at iangat ang sarili at iba pa na nangangailangan nito," dagdag niya pa. 

Hinimok naman niya sina Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados at Miss Universe 2016 Iris Mittenaere ng France na sumunod sa naturang kampanya.

Apat na araw pa lang ang nakalilipas nang ipaskil ni 2018 Miss Universe Catriona Gray ang kahalintulad na litrato, kung saan ikinagulat ng marami ang kanyang natural na anyo na tila ibang-iba sa kinagisnan ng marami.

"Mahilig akong maglaro ng makeup at maging glam, pero natutunan ko na ring mahalin ang balat ko... magising na may peklat ng tigyawat, nunal, lahat," sabi niya noong Huwebes.

"Ako man, may mga araw na hindi confident, o napupuno ng insecurity... Pero okay lang."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Catriona Gray (@catriona_gray) on

Paalala ni Catriona sa lahat, paglalakbay ang matutong mahalin ang sarili, bagay na karapat-dapat lang daw tahakin.

vuukle comment

#ASSHEIS

CATRIONA GRAY

MAKEUP

MISS UNIVERSE

PIA WURTZBACH

SELF-LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with