^

Bansa

Martial law extension 'di na irerekomenda ng DND; Human Security Act itinulak

James Relativo - Philstar.com
Martial law extension 'di na irerekomenda ng DND; Human Security Act itinulak
"Kung ako lang, I will not recommend anymore the extension [sa Mindanao]. [Ang] tagal na masyado eh," ani Lorenzana.
Task Force Davao Facebook page

MANILA, Philippines — Imbis na palawigin ang batas militar sa Mindanao, mas mainam daw na bigyang pangil na lang ang batas sa pamamagitan ng panibagong Human Security Act, sambit ng kalihim ng Department of National Defense ngayong araw.

Ang palagay na 'yan, sinabi ni DND Secretary Delfin Lorenzana sa ulat ng ABS-CBN.

"Kung ako lang, I will not recommend anymore the extension, [ang] tagal na masyado eh," ani Lorenzana.

Ika-23 ng Mayo taong 2017 nang isailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang katimigang pulo ng bansa sa martial law matapos ang bakbakan sa pagitan ng gobyerno at Maute sa Lungsod ng Marawi.

Bagama't Oktubre 2017 pa lang ay idineklara na ni Digong na "malaya na sa mga terorista" ang Marawi, pinalawig nang pinalawig ng gobyerno ang martial law sa Mindanao.

Nakatakdang mapaso ang martial law sa Mindanao sa ika-31 ng Oktubre, 2019.

Ayon sa Article VII Section 18 ng 1987 Constitution, maaaring ideklara ng presidente ang martial law para "pigilan at sikilin ang lawless violence, pananakop at rebelsyon."

Dahil sa Proclamation 216 ni Duterte, isinailalim sa martial law at suspensyon ng pribilehiyo ng writ of habeas corpus sa Mindanao.

Ginagamit ang writ of habeas corpus para iharap sa korte ang taong inaresto sa korte at para alamin kung naaayon sa batas ang pagdakip sa kanya.

Human Security Act itinulak

Ayon kay Lorenzana, na nangangasiwa sa Armed Forces of the Philippines, kaya naman daw nilang gawin ang kanilang tungkulin sa Mindanao kahit na walang batas militar.

"We can do our job naman. Kaya nga, lalo na kung maipapasa ng Senado o Kamara ang Human Security Act," sabi pa ng Defense chief.

Aniya, kung magagawa raw ito ay mabiibigyan ng "ipin" ang law enforcement.

"Mas mainam na kaayusan 'yun kaysa martial law," dagdag pa niya.

Bagama't mayroon nang Republic Act 9372, o Human Security Act of 2007, na ipinatupad noong ika-67 ng Marso taong 2007, nananawagan ang AFP na maayendahan ito para "mapalakas" at magamit kontra sa mga "terorista."

Sa kasalukuyang Human Security Act, isinasalarawan ang terorismo bilang "sanhi ng malawakan at labis na takot at pagkabahala sa taumbayan."

Binibigyan din nito ng kapangyarihan ang mga otoridad na humili ng terror suspects kahit walang warrant at pansamantalang mag-detain kahit wala pang naihahain na kaso.

Nitong Agosto, sinabi ni AFP spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo na nais nilang tanggalin ang probisyon ng batas na magpapataw ng P500,000 multa kada araw sa mga security officers na humuli sa napalayang pinaghihinalaang terorista.

Layon din ng AFP na mapalawig ang three-day custodial investigation period.

'Undeclared martial law' against activists

Ayon naman kay Carol Araullo, chairperson ng Bagong Alyansang Makabayan, sadyang "hindi na ito maipagtatanggol" pa, dahil kaya naman na raw sikilin ng gobyerno ang mamamayan kahit wala ito.

"Parang nagpapatupad na rin naman ng undeclared martial law ang rehimeng Duterte eh," ani Araullo sa isang tweet sa Inggles.

Matatandaang sunud-sunod ang serye ng ng mga raid sa mga opisina ng mga aktibista noong ika-31 ng Okltubre, na humantong sa pagkakaaresto ng 57 katao sa Escalante City at Bacolod City.

Sa kabila nito, 32 sa mga nabanggit ang pinakawalan na sa ngayon, bagay na nagpapatunay na gawa-gawa lang ang mga paratang na nakitaan sila ng mga baril at nagsasanay ng New People's Army.

Tinawag na rin ni Satur Ocampo, pinuno ng Makabayan sa kanyang kolum sa The STAR, na matagal nang modus ng AFP at Philippine National Police ang pagtatanim ng baril at ebidensya.

Ika-2 ng Nobyembre, bigla namang nawala si Honey Mae Suazo, na dating miyembro ng Karapatan.

Pinatay naman sa harap ng kanilang bagay ang coordinator ng Makabayan sa Southern Tagalog na si Reynaldo Malaborbor noong ika-4 ng Nobyembre.

Noong ika-5 ng Nobyembre, ni-raid naman ang tanggapan ng Bayan sa Tondo, Maynila, na ikinaaresto ng tatlong aktibista.

vuukle comment

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

CAROL ARAULLO

DELFIN LORENZANA

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

EXTENSION

MARTIAL LAW

MINDANAO

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with