Paglutas sa libu-libong tulog na kaso tututukan
MANILA, Philippines — Pinakamatinding hamon ngayon na kinakaharap ng liderato ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta ang patung-patong na kaso na patuloy na nadaragdagan araw-araw.
Sa press briefing, inilahad ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta ang daan-daang libong kaso na nakasampa sa mga hukuman.
Sa datos ng Korte Suprema noong 2018, may 8,852 na nakabimbing kaso sa Kataas-taasang Hukuman; 19,732 sa Court of Appeals; 5,237 sa Sandiganbayan; 1,353 sa Court of Tax Appeals; 546,182 sa regional trial courts; at 160,153 na kaso sa mga first level courts.
Tinitiyak naman ng Punong Mahistrado na prayoridad niya ang ma-eliminate ang napakalaking bilang ng mga natutulog na asunto.
- Latest