^

Bansa

Diskarte ni Leni hayaan - Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Malacañang na hindi makikialam si Pangulong Duterte sa anumang diskarte na gagawin ni Vice-Pres. Leni Robredo bilang bagong anti-drug czar kung saan target nito ang zero killings sa drug war.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, bahala na si Rob­redo kung paano nito ga­gampanan ang mala­king responsibilidad na nakaatang sa balikat nito ngayon.

Pero sabi ni Panelo, “accountable” pa rin ang bise-presidente kay Pa­ngulong Duterte bilang alter ego nito.

Bukod sa korapsiyon ay isa ang “incompetence” sa mga dahilan ng ikinasibak ng mga dating government officials mula sa kani-kanilang mga puwesto.   

Ito na rin anya ang pagkakataong itama ni VP Leni ang mga nakita niyang mali sa pamamaraan ng pagsugpo ng pamahalaan sa ipinagbabawal na gamot lalo’t may kapangyarihan na ito sa anti-illegal drugs effort sa ilalim ng Duterte administration.

Iginiit din ng Palasyo na malalaman lamang kung makatotohanan ang target na ‘zero killings’ ni Robredo kung sasama siya sa anti-drug operations ng pulisya at mula doon ay personal na masaksihan kung ano ang nagaganap sa ground.

“Let her do her job. When she joins the raid and the police operations, she will be exposed to the realities on the ground. After that she will plan how to succeed in her job. Give her space,” wika ni Panelo.

Una rito sinabi ni Panelo na dedepende umano sa performance ni Robredo bilang drug czar kung magbabago ang satisfaction ratings na nakukuha ng administrasyon sa anti-drug war.

Sa mga nagdaang surveys, mataas na satisfaction at approval ratings ang nakukuha ng Duterte administration sa paglaban sa iligal na droga.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with