^

Bansa

Murang gamot suportado ni Go

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

Sa expanded MDRP coverage

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng suporta si Sen. Bong Go sa panukalang pagpapalawak sa Maximum Drug Retail Prices (MDRP) list upang matiyak na ma­kabibili ng mas murang gamot ang taumbayan.

Pagkaraan ng privilege speech ni Sen. Risa Hontiveros sa naturang usapin, sinabi ni Go na sinusuportahan niya ang expansion ng MDRP para matiyak na maka­kabili ng murang gamot ang mga mamamayang Pilipino. Idiniin niya na ang healthcare ay isang karapatan, hindi commodity.

Kapwa sinabi nina Go at Hontiveros na dapat matalakay ang naturang isyu sa pamamagitan ng mga probisyon sa Cheaper Medicines Act of 2008 na nagbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo ng Pilipinas na magpataw ng maximum retail prices sa mga ibinebentang gamot sa bansa, base sa rekomendasyon ng kalihim ng Department of Health (DOH).

Ani Go, personal niya itong tatalakayin kay Pangulong Duterte.

Sinabi ni Hontiveros na sa pinakahuling Philippine National Health Accounts, lumilitaw na 41 porsiyento ng healthcare spending sa bansa ay sa pagbili ng pharmaceutical products o medicines.

Pinuna ni Go na, batay sa datos ng 2018 Medical Trends Around the World Report ng Mercer Marsh, masyadong mahal ang mga gamot sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa at maging ang mga generic drug prices ay apat na ulit na mas mataas kaysa sa international reference prices.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with