Drug czar challenge’ tanggapin
‘Senators hinamon si VP Leni
MANILA, Philippines – Hinamon ng ilang senador sa pangunguna ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III si Vice Pres. Leni Robredo na tanggapin ang alok ni Pangulong Duterte na maging co-chairperson Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Ayon kay Sotto, dapat tanggapin ni Robredo ang posisyon upang malaman nito kung gaano kalaki ang problema laban sa iligal na droga.
“Tanggapin sana para once and for all ma-realize nila na ang problema ng illegal drugs ay matindi pala at matigil ang kakasabi nila na itigil na,” sabi ni Sotto.
Maging si Sen. Christopher “Bong” Go ay nagbigay din ng hamon kay Robredo na subukan ang posisyon na iniaalok ng Pangulo.
Naniniwala si Go na makikita kung makakatulong si Robredo sa problema ng iligal na droga kapag tinanggap niya ang bagong posisyon.
“Tingnan natin kung makakatulong ka pa. Hinahamon po kita. Malay mo baka may alam siya. Baka magtagumpay,” sabi ni Go.
Maging si Sen. Sherwin Gatchalian ay naniniwala na hindi dapat tumanggi si Robredo sa “drug czar challenge.”
- Latest