^

Bansa

Alok kay Leni ‘set-up’ daw

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naniniwala ang ilang kaalyado ni Vice-Pres. Leni Robredo na “set up” ang pagtatalaga sa kanya ni Pangulong Duterte bilang co-chairman ng inter-agency committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, ang pag-aalok ng Pangulo sa nasabing posisyon ay nagpapatunay lamang na sinet-up si Robredo para mabigo.

Mismong ang chairman na umano ng ICAD na si PDEA Chief Aaron Aquino ang nagsabi na mabibigo ang Bise Presidente sa war on drugs.

Habang umaasa naman si Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin na magkakaroon na ng reconciliation sa pagitan nina Duterte at Robredo matapos ang pagkakatalaga dito bilang bagong co-chairman ng ICAD.

Giit ni Garbin, positibong hakbang umano ito para sa pagtutulungan ng administrasyon at oposisyon ang appointment kay Robredo.

Para naman kay Iloilo Rep. Jam Baronda, hindi dapat isipin na negatibo ang pagkakatalaga kay Rob­redo dahil baka naman may naiisip na maganda ang Bise Presidente na solusyon laban sa iligal na droga.

 

vuukle comment

LENI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with