^

Bansa

5-day calamity leave isinulong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bilang tulong sa mga empleyado na magiging biktima ng kalamidad, isinulong ni Sen. Leila de Lima ang panukalang bigyan sila ng limang araw na special emergency leave.

Sa Senate Bill 1123 na tatawaging Cala­mity Leave Law, sinabi ni de Lima na dapat maprotektahan ng mga manggagawa sa pampubliko at pribadong sektor hindi lamang ang kanilang sarili kundi ang kanilang pamilya at ari-arian lalo na tuwing may kalamidad.

Ipinunto ni de Lima na ang Pilipinas ay nasa Pacific Belt at dinadaa­nan ng nasa 20 bagyo taun-taon.

Sa ilalim ng panukala, ang limang araw na special emergency leave ay ibibigay pagkatapos ideklara ang state of calamity ng Pangulo ng bansa o ng Lokal na Sanggunian alinsunod sa Section 16 of R.A. No. 10121.

Maari ring mag-avail ng calamity leave ang mga manggagawang na-stranded sa mga naapektuhang lugar; mga nagkaroon ng sakit dulot ng pagtama ng kalamidad; mga mag-aalaga ng pamilya at iyong mga nanganga­ilangan ng agarang pagsasaayos at paglinis na nasira nilang bahay.

 

vuukle comment

CALAMITY LEAVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with