^

Bansa

Ninja cop sa Antipolo drug raid sinibak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ninja cop sa Antipolo drug raid sinibak
Sa press briefing sa Camp Crame, kinilala ni Gamboa ang nasibak na pulis na si Lt. Joven de Guzman ng Antipolo City Police Station na namuno sa isang team ng pitong pulis na sangkot sa irregular na aktibidad sa Antipolo.
Edd Gumban/File

MANILA, Philippines — Tinanggal na kahapon sa serbisyo ni Philippine National Police Officer–in-Charge Lt. Gen. Archie Gamboa ang umano’y ninja cop na nagsilbing team leader ng isang kontrobersyal na drug raid sa Antipolo City noong Mayo 2019.

Sa press briefing sa Camp Crame, kinilala ni Gamboa ang nasibak na pulis na si Lt. Joven de Guzman ng Antipolo City Police Station na namuno sa isang team ng pitong pulis na sangkot sa irregular na aktibidad sa Antipolo.

Ayon kay Gamboa, si de Guzman ay tinanggal sa serbisyo matapos mapatunayang guilty sa kasong grave misconduct ng PNP-Internal Affairs Service  (PNP-IAS) matapos isailalim sa masusing imbestigasyon ang police team na pinamumunuan nito na nasangkot sa maanomal­yang drug raid.

Una nang pinatawan ng dismissal sa serbisyo ang tatlong ninja cops na kasama ni Gamboa sa drug raid na sina Po­lice Master Sergeant Rommel Vital at Police Corporal Romeo Guerrero Jr..

Si de Guzman ay isa rin sa 13 ninja cops na nag-operate sa Pampanga.

Magugunita na pinasok nina de Guzman ang bahay ng isang Arnold Gramaje nang walang search warrant at pinalitaw na isa itong buy-bust operation. Bago ito ay tinangkang harangin ng nasabing mga ninja cops ang behikulo ni Gramaje at nang mabigo itong maaresto ay sinundan kung saan niransak ang tahanan ng biktima.

Kinuha umano ng mga nasabing pulis ang halagang P30,000 na cash at ilang gadget sa loob ng bahay gayun­din ang pagtatanim ng ebi­densiya laban sa nasabing biktima.

vuukle comment

NINJA COPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with