Emergency power ni Digong hindi na isusulong ng Kamara
MANILA, Philippines — Hindi na isusulong ng Kamara ang panukalang pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte para malutas ang matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na sa halip na emergency powers ay gagamitin nila ang kanilang oversight powers para masolusyunan ang trapiko sa pamamagitan ng pagsusulong ng mass transportation.
Iginiit pa ni Cayetano na gagamitin nila ang kanilang oversight powers kaya hindi rin nila nakikitang problema ang right of way.
Sinabi na rin umano ng Pangulo na ayaw na niya ng emergency powers dahil hindi maaaring atakihin ang krisis sa pamamagitan ng emergency powers kung nasa kalagitnaan na rin ng krisis.
- Latest