^

Bansa

Government pursigidong supilin ang gutom

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iginiit kahapon ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang gob­yerno ay mas pursigidong gumawa ng mga patakaran upang supilin ang gutom sa bansa kasunod ng lumabas na datos na nagpapakitang bumaba ng 4.2% taon-taon ang mga pamilyang nakararanas ng involuntary hunger.

Kanyang idiniin nitong Linggo na, batay sa mga numerong ito, positibong nakikita ng administrasyong Duterte na “ito ay indikasyon na nakakamit ng gobyerno ang ninanais na mga layunin dahil sa patakarang ipinatutupad nito.”

Batay sa inilabas na survey kamakailan ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa no­ong Setyembre 27 - 30, 2019, 9.1% o tinatayang nasa 2.3 milyong pamilya ang nakaranas ng invo­luntary hunger sa nakalipas na tatlong buwan.

Gaya ng tinukoy ng SWS, ang “involuntary hunger” ay nangangahulugang “gutom na nararanasan ng isang pamilya dahil sa kakulangan ng pagkain na maisusubo.” 

Ayon kay Nograles, ang mga bagong numero ay mas mababa kumpara noong September 2018 SWS data na makikitang 13.3% o tinatayang nasa 3.3 milyong pamilya ang nakaranas ng involuntary hunger.

“Mas bumaba o komonti ng isang milyong pamilya ang nakararanas ng gutom, numerong sinisikap natin na mas pababain pa sa pamama­gitan ng Enhanced Part­nership Against Hun­ger and Poverty (EPAHP) – isang inisyatibo ng pa­mahalaan na kumbin­sido tayong makatutulong sa Pilipinas para makamit ang ating minimithing #GoodbyeGutom,” ayon pa sa opisyal ng Pa­lasyo.

Layunin ng EPAHP na maibsan ang gutom, tiyakin na may sapat na pagkain at seguridad sa nutrisyon, at mabawasan ang kahirapan sa urban at mga rural communities, kabilang na ang mga mahihirap na komunidad.

vuukle comment

HUNGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with