^

Bansa

Pasahero dinampot sa bomb joke

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga awtoridad ang isang pasahero ng isang domestic aircraft papuntang Cebu dahil sa ‘bomb joke.’

Sa ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines Operation Center (CAAP-OPCEN), isang alyas Ramon Barrios, pasahero ng Airphil Davao flight GAP 2364 patungong Cebu, ang nagbiro tungkol sa bomba habang nakaupo at sakay ito ng eroplano.

Dahil sa inasal ni Barrios, siya ay hinuli ng PNP Aviation Security matapos magreklamo ang flight crews ng eroplano.

Gayunman, matapos pababain ng eroplano ang lahat ng mga pasahero nito ay ibinaba rin ang lahat ng mga bagahe nito sa eroplano para sa isang security check na naging dahilan para maantala ang flight.

Matapos ang isinagawang security check ay pina­yagan ng makalipad ang eroplano ng Airphil papuntang Cebu.

Samantala, dinala sa himpilan ng Sasa police si Barrios para patawan ng kaukulang kaso.

Sa ilalim ng Presidential Decree 1727, o ang Anti-Bomb Joke Law, ang violators ay maaaring makulong ng hindi  hihigit sa limang taon o multang hindi hihigit sa PHP40,000, o pareho, komporme sa ipapataw ng hukuman.

Ang batas ay nilagdaan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1980 na labag sa batas at penalizes, ang pagpapakalat ng maling impormasyon at pagawa ng anumang banta patungkol sa bomba, eksplosibo, o anumang katulad na aparato o paraan ng pagsira.

vuukle comment

BOMB JOKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with