^

Bansa

Mayor binatikos ng solon sa helmet

Gemma A. Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binatikos ng isang kongresista ang Alkalde ng municipal mayor ng Rizal dahil sa pagpoposte sa facebook na nagmamaneho ng motorsiklo habang walang suot na helmet.

Giit ni ACT-CIS partylist Rep. Eric Go Yap, hindi tamang makita na ang isang public official ay lumalabag sa batas sa gitna ng liwanag ng araw.

Sa Facebook ni Cainta Mayor Johnielle Keith Pasion Nieto ay nagmamaneho siya ng motorsiklo na walang suot na helmet habang patungo sa isang wedding event kung saan siya magni-ninong. “Late na sa kasal.eh..ninong,..para-paraan lang para umabot,” nakasaad pa sa fb post.

Ayon kay Yap, sana ay nagpakita ng pagsunod sa batas si Nieto habang nagmamaneho ng motorsiklo.

Base sa Philippine Statistics Office (PSA), umaabot sa 582,183 Filipino ang namatay noong 2016 o ave­rage na 1,591 kada araw, 66 kada minuto dahil sa aksidente sa motorsiklo.

Disappointed naman si Yap dahil naging pagtugon ni Nieto sa mga negatibong komento sa kanya sa fb dahil sa paglabag niya sa Republic Act No. 10054 o An Act Mandating All Motorcycle Riders  to wear helmet.

Sinabi ni Nieto na magsusuot siya ng helmet pagkailangan at may nilagdaan siyang waiver para maabswelto ang iba mula sa anumang liabilty o pagkasugat dahil sa hindi niya pagsusuot ng helmet.

vuukle comment

HELMET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with