Bahay ni Digong nagkabitak din sa lindol
MANILA, Philippines — Maging ang tahanan ni Pangulong Duterte ay naapektuhan ng panibagong lindol kahapon ng umaga na yumanig sa Mindanao.
Ayon kay Sen. Bong Go, nagkataon na nasa Davao City ang Pangulo nang maganap ang lindol.
Nagkaroon ng bitak sa pader ang bungalow ng Pangulo sanhi ng lindol.
Nasa comfort room si Pangulong Duterte ng maganap ang lindol.
Wika ni Go, nasa maayos na kalagayan naman ang Pangulo gayundin ang partner nito at anak na si Kitty.
Tiniyak din ng Malacañang na tutugunan nila ang mga apektado ng lindol sa Mindanao.
“The President is safe in his home in Davao City and is closely monitoring the developments. The President considers all situations arising from natural disasters that have caused widespread destruction to lives and property a top concern,” wika ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.
“The President had directed all agencies and responsible local government units to provide the necessary assistance and immediate relief to those affected,” sabi ni Panelo.
- Latest