^

Bansa

Carpio: Ilipat kay Robredo ang 'drug war'? 'Di nga kinaya ni Duterte ng 6 months

Philstar.com
Carpio: Ilipat kay Robredo ang 'drug war'? 'Di nga kinaya ni Duterte ng 6 months
"Parang hindi akma nang sabihan niya [si Robredo ng]: 'Sige, bibigyan kita ng anim na buwan.' Kasi siya mismo, hindi niya kaya 'yun," wika ni dating Senior Associate Justice Antonio Carpio sa panayam ng ANC sa Inggles.
File

MANILA, Philippines — Binira ng retiradong opisyal ng Korte Suprema ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Bise Presidente Leni Robredo na maging "drug czar" ng anim na buwan.

"Parang hindi akma nang sabihan niya [si Robredo ng]: 'Sige, bibigyan kita ng anim na buwan.' Kasi siya mismo, hindi niya kaya 'yun," wika ni dating Senior Associate Justice Antonio Carpio sa panayam ng ANC sa Inggles.

Matatandaang hinamon ni Duterte si Robredo na kunin ang pwesto ng "drug czar" bunsod ng kanyang pambabatikos sa gera kontra droga, bagay na kumitil sa buhay ng 6,847 katao, ayon sa datos na inilabas ng Philippine National Police noong Agosto.

Walang posisyon na "drug czar" sa pamahalaan ngunit madalas itong nagagamit para sa hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency.

'Tatlo hanggang anim na buwan'

Habang nangangampanya noon sa pagkapangulo si Duterte noong 2016, ipinangako niyang wawakasan niya ang droga't korapsyon sa loob ng anim na buwan.

"Kung manalong presidente, bigyan niyo ako ng tatlo hanggang anim na buwan, mawawala ang korapsyon, droga at kriminalidad," sabi niya sa Batac City.

Pero nang maluklok na sa pwesto, hindi rin naman daw siya tumupad sa usapan.

"Pagkatapos ng anim na buwan, ang sabi niya: 'Hindi ko kaya ng anim na buwan, kailangan ko isang taon.' Malaon, ang sabi niya, 'Hindi ko kaya sa termino ko,'" sabi pa ni Carpio.

Kilala si Carpio bilang kritiko ni Duterte pagdating sa relasyong panlabas, lalo na sa pakikitungo niya sa Tsina bunsod ng agawan sa West Philippine Sea.

Una nang sinabi ni Robredo na ayaw pa niyang magbigay ng kasagutan sa hamon ni Duterte dulot ng kanyang duda sa pagkaseryoso ng pangulo.

"Ako kasi, ayaw kong sagutin muna iyon kasi hindi ko alam kung gaano kaseryoso," sabi ni Robredo.

"Iyong sa akin lang, iyong mga mahahalaga at mga importanteng mga problema ng ating bansa, hindi naman dinadaan sa pagkapikon, hindi naman dinadaan sa pang-iinsulto."

Inengganyo naman ni presidential spokesperson Salvador Panelo ang Robredo na kunin ang alok ni Duterte upang makatulong at "hindi panay batikos."

"Kagaya ng sinabi ni presidente, 'Parang magaling ka yata. Oh 'di sige, ibibigay ko sa'yo para makita natin kung may magagawa kang paraan," ani Panelo noong Martes. 

Inilinaw na ni VP Leni na hindi niya layong patigilin ang kampanya kontra droga, ngunit nais lang itong mabago o kumpunihin.

Kasalukuyang kwinekwestyon pa rin ni dating Sen. Bongbong Marcos, na kaalyado ni Duterte, ang pagkapanalo ni Robredo sa pagiging bise presidente. — James Relativo

vuukle comment

ANTONIO CARPIO

DRUG CZAR

LENI ROBREDO

RODRIGO DUTERTE

WAR ON DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with