^

Bansa

Lalaki patay sa meningo

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Lalaki patay sa meningo
Kinumpirma ng San Lazaro Hospital na meninggococcemia ang ikinamatay ng lalaki matapos ang mga laboratory test sa nasabing pasyente.
File

MANILA, Philippines — Isang 54-anyos na lalaki na taga Bustos, Bulacan ang namatay sa sakit na meningococcemia nitong Lunes ng gabi matapos ang limang araw na pagkaka-confine sa San Lazaro Hospital sa Maynila.

Unang dinala si Alfredo Manuel sa Bustos Community Hospital at agad na inilipat din noong October 23 sa Baliwag District Hospital.

Kinumpirma ng San Lazaro Hospital na meninggococcemia ang ikinamatay ng lalaki matapos ang mga laboratory test sa nasabing pasyente.

Ayon kay Dr. Lito Tri­nidad, hepe ng Baliwag District Hospital, inispreyan na nila ng disinfectant ang emergency at ward room ng nasabing ospital kung saan na-confine ng isang araw ang lalaki.

Sinaksakan din ng prophylaxis at antibiotic ang mga nurses at ibang pasyente na nakasama ni Manuel sa emergency at ward room ng nasabing ospital.

Sinabi rin ni Dr. Trinidad na walang dapat na ipag-alala ang mga residente ng Bustos at Baliwag dahil sa hindi naman viral at airborne disease ang meningococcemia.

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with