^

Bansa

Pangatlong kaso ng Polio nakumpirma

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pangatlong kaso ng Polio nakumpirma
Ang pangatlong kumpirmadong kaso ay sa isang apat na taong gulang na batang babae sa Datu Piang, Maguindanao, ayon sa Department of Health kahapon. Wala pa siyang natatanggap na anumang dose ng bakuna laban sa polio.
File

MANILA,Philippines — Isa pang kaso ng polio ang nakumpirma sa Pilipinas na dahilan para maging tatlo na ang tao na nakapitan ng ganitong sakit.

Ang pangatlong kumpirmadong kaso ay sa isang apat na taong gulang na batang babae sa Datu Piang, Maguindanao, ayon sa Department of Health kahapon. Wala pa siyang natatanggap na anumang dose ng bakuna laban sa polio.

Muling lumitaw ang polio sa bansa pagkaraan ng 19 na taon mula nang masugpo ito.

Ang sample ng dumi ng bata na ipinadala sa National Institute of Infectious Diseases sa Japan ay nagpositibo sa vaccine-derived poliovirus 2.

Ang unang dalawang kaso ng polio sa Pilipinas ay sa isang tatlong taong gulang na batang babae sa Lanao del Sur at isang limang taong gulang na batang lalaki sa Laguna.

Samantala, bagaman tapos na ang mass vaccination, siniguro ng Department of Health (DOH) na mayroon pa ring oral polio vaccine sa mga health centers.

Ayon kay DOH spokesperson Undersecretary Eric Domingo, pwedeng pumunta ano mang oras sa mga health centers para makakuha ng mga anti polio vaccine A.

Aniya, ang full vaccination laban sa polio ang pinakaepektibong paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng polio.

vuukle comment

POLIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with