^

Bansa

PhilHealth, ospital nagkasundo na - Sen. Go

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
PhilHealth, ospital nagkasundo na - Sen. Go
Tiniyak din sa publiko ni Go, bilang tagapangulo ng Senate committee on health, na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pagbibigay ng dekalidad at abot-kayang serbis­yong medikal sa lahat ng Filipino.
Geremy Pintolo/File

MANILA, Philippines — Inihayag ni Sen. Bong Go na nagkausap at nagkasundo na ang Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAPI) at ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na sila’y magtutulu­ngan upang mabayaran ang “unpaid claims” at maresolba na ang nasabing isyu. 

Tiniyak din sa publiko ni Go, bilang tagapangulo ng Senate committee on health, na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pagbibigay ng dekalidad at abot-kayang serbis­yong medikal sa lahat ng Filipino. 

“Open ang linya ko para po maging tulay sa kanila. Thankfully, they have reached an agreement to work together to resolve their issues when they talked in front of me yesterday. Ang importante hindi maapektuhan ang serbisyo sa mga pasyente,” aniya.

Nakaharap ni Go sina PHAPI President Rustico Jimenez at Phil­Health President Ricardo Morales sa isang pribadong pulong kung saan nagkaisa ang PhilHealth at PHAPI na magsasama sa pagkilos para maayos na ang outstanding claims ng private hospitals, gayundin ang paglansag sa umano’y fraudulent claims sa ahensiya. 

Siniguro ng pamunuan ng PhilHealth sa private hospitals na nakahanda itong makinig sa kanilang mga concerns. Sinabi rin ng PhilHealth na magsasagawa ito ng quarterly regional “reach-out” forums kung saan imbitado ang mga ospital para maipahayag ang kanilang mga hinaing.

Sinabi naman ni Sen. Go, mahalaga na matiyak na ang pondo ng PhilHealth ay hindi masasa­yang at magagamit nang wasto para sa kapaka­nan ng mga pas­yenteng nangangaila­ngan.

“Now their lines are open to complaints. So it’s not true that private hospitals will pull out from PhilHealth,” ani Go.

Noong Lunes ay nagbanta ang 600 miyembro ng PHAPI na hindi na mag-rerenew ng kanilang PhilHealth accreditation sa 2020 dahil sa unpaid claims na umabot na sa P2.5 billion.

 

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with