^

Bansa

Mga Pinoy na naaksidente sa Egypt, ligtas na

Ludy Bermudo, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa maayos nang kalagayan si Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) secretay general Father Marvin Mejia at 12 pang Pinoy na nasangkot sa isang bus accident habang nasa pilgrimage sa Mount Sinai, Egypt.

Sinabi  kahapon ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David na nakalabas na sa Sharm El Sheikh International Hospital si Father Marvin Mejia at kasalukuyan nang nagpapahinga sa isang hotel sa naturang bansa.

Ayon kay Father Jan Limchua, bise presidente ng CBCP, nakuha nila ang impomasyon sa isang nagtatrabaho sa Apos­tolic Nunciature sa Cairo, Egypt.

Lumilitaw na nasa pilgrimage ang grupo at nagtu-tour sa Egypt nang maaksidente ang sinasakyan nilang bus noong Martes ng gabi, matapos nilang bisitahin ang Saint Catherine’s Monastery sa Mount Sinai.

Nabatid na pinagka­looban rin naman ng ka­ukulang tulong ng Philippine Embassy sa Cairo si Mejia at ang iba pang Pinoy na kasama nito nang maganap ang aksidente.

Sa 23 turista na sa­kay ng bus kung saan na­kasama ang mga Filipino sa Holy Land Tour, isang American national ang namatay.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with