^

Bansa

P267 milyon forfeiture case vs Marcos ibinasura

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Sandiganbayan 4th division ang isa na namang forfeiture case laban sa mga Marcos at sa mga cronies nito.

And kaso ay may kinalaman sa P267.371 million ill-gotten wealth case laban sa mga Marcos at sa mga umano’y dummies na mag-asawang Ignacio at Fe Gimenez. 

Sa 37 pahinang desisyon ng anti-graft court na pinirmahan nina Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, Associate Justices Alex Quiroz, Reynaldo Cruz, at Maria Theresa Mendoza-Arcega, kinakitaan ng kawalan ng sapat na ebidensya ang kaso na inihain ng PCGG laban sa mga ito.

Pinaboran ng Sandiganbayan ang mag-asawang Gimenez sa pagsasabing nagsumite ang PCGG ng hindi authenticated photocopied documents at may nakita ring depekto sa mga ebidensya na malinaw na paglabag sa Rules of Law.

Ito ang ikatlong pagkakataon ngayong taon na natalo ang PCGG, una noong Agosto nang basura ng Sandiganbayan 2nd division ang P102-billion forfeiture case laban sa Marcoses, Roberto Benedicto at iba pang cronies dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.

Nitong Oktubre ay binasura rin ng second division ang P1,052 billion civil case laban sa 1989 kaso ng Marcoses, dating Ambassador Bienvenido Tantoco Sr. at iba pang kamag-anak nila dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.

vuukle comment

MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with