^

Bansa

Pagbawi ng P267.37M vs Marcoses, cronies ibinasura

James Relativo - Philstar.com
Pagbawi ng P267.37M vs Marcoses, cronies ibinasura
Ayon sa anti-graft court, panay photocopied at unauthenticated daw kasi ang mga isinumiteng dokumento sa korte, maliban sa hindi naidala sa witness stand ang mga sumumpa sa mga affidavit at deklarasyong ginamit para patunayang hindi haka-haka ang laman ng mga papel.
Gov.PH

MANILA, Philippines — Isa pang kaso para mabawi ang mga diumano'y nakaw na yaman ng pamilya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos — ngayon kaugnay ng P267.37 milyon — ang ibinasura ng Sandiganbayan Fourth Division, ayon sa dokumentong inilabas ngayong Biyernes. 

Hindi raw kasi sapat ang mga inihaing ebidensya laban sa pamilya Marcos at mga diumano'y crony na sina Fe Roa Gimenez at Ignacio Gimenez.

Ang kaso ay inilaban ng gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng Presidential Commission on Good Government at Office of the Solicitor General.

Ayon sa anti-graft court, panay photocopied at unauthenticated daw kasi ang mga isinumiteng dokumento sa korte, maliban sa hindi naidala sa witness stand ang mga sumumpa sa mga affidavit at deklarasyong ginamit para patunayang hindi haka-haka ang laman ng mga papel.

"[L]umalabas na ang mga depekto sa mga piraso ng ebidensyang iprinisenta ng Republika ay humahadlang para matagumpay na pagulungin ang civil forfeiture case," wika ng desisyon sa Inggles.

Kaugnay nito, iginawad ang demurrer to evidence na inihain nina Gimenez, na mga "business associates" noon nina Ferdinand at Imelda.

Inaakusaan si Fe na nagbuhos ng pondo ng gobyerno sa kanyang foreign accounts dinisburse daw kinalaunan para "mapayaman siya at ang mga Marcos."

Pinararatangan naman si Ignacio dahil sa kanyang pagiging "dummy, nominee o ahente" ng mga Marcos sa ilang korporasyon, kabilang ang Allied Banking Corp.

Ebidensya 'hindi maintindihan'

Maliban dito, halos hindi rin daw mabasa ang mga nakasulat sa mga papel.

"Kailangan ding sabihin na ang ilang iniharap na photocopy ng Republika sa Korte ay napakapangit ng kaledad kung kaya't hindi mabasa ang mga titik at bilang na nakasulat," dagdag nila.

"[I]mposible para sa Korte na maintindihan ang mga puntong gustong idiin ng Republika."

Kahit na iisantabi rin daw ang mga depekto ng mga in-exhibit, halos wala rin daw maikakabit na probative value sa mga ito.

Ang probative value ay tumutukoy sa kasapatan ng isang ebidensya upang may mapatunayan sa paglilitis.

"Kung ikukunsidera ang depekto sa halos lahat ng piraso ng ebidensyang isinumite ng Republika, nakikita ng Korte na bigo ang Republikang i-discharge ang burden nito kung kaya't ang mga demurrer ng mag-asawang Gimenez ay dapat ibigay," sabi pa ng papel.

Ito na ang ikatlong pagkapanalo ng pamilya Marcos laban sa mga kaso pagdating sa mga diumano'y nakaw na yaman sa loob ng tatlong buwan. 

Ilang linggo pa lang ang nakararaan nang ibasura rin ng Sandiganbayan ang P1.05 bilyong civil forefeiture case, dahil din sa "hindi sapat ng ebidensya." — may mga ulat mula kay The STAR/Elizabeth Marcelo

vuukle comment

CIVIL FORFEITURE CASE

FERDINAND MARCOS

ILL-GOTTEN WEALTH

IMELDA MARCOS

SANDIGANBAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with