^

Bansa

4Ps beneficiaries payag sa bigas kaysa pera

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Sang-ayon ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na palitan ng aktuwal na bigas sa halip na pera ang tinatanggap nilang rice subsidy bilang tulong sa mga lokal na magsasaka.

Sinabi ni Anabelle Luna, secretary general ng Samahan ng Nagkakaisang Pamilya ng Pantawid (SNPP) sa pagdinig ng House committee on Agriculture and Food, na dapat tiyakin ng National Food Authority ang kalidad ng ipamamahaging bigas bilang pagsaalang-alang sa kalusugan ng pamilya lalo na ng mga bata.

Nag-aalala rin sila sa magiging distribusyon dahil baka ibawas daw sa halaga ng kanilang makukuha ang para sa pagkarga nito o kaya naman ay pro­blemahin pa nila ang pamasahe.

Ayon kay Luna, maaari rin namang panatilihin na lang na pera ang ibigay sa mga benepisyaryo para sila ang makapili ng sariling bigas sa mga kooperatiba ng mga magsasaka sa kanilang lugar.

vuukle comment

PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with