^

Bansa

Senior citizens prayoridad sa malasakit centers

Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Inihayag ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na isinusulong niyang maging ganap na institusyon ang Malasakit Center upang lalo pang mapagbuti at maisaayos ang pagbibigay ng serbisyo sa mga may sakit lalo na sa senior citizens.

Sa isang panukalang-batas na magpapatatag sa mga Malasakit Center at isinampa ni Go sa Senado, magi­ging isang one-stop shop ito na apat na ahensiya ng gobyerno ang nasa isang kuwarto at merong express lane para sa mga senior citizen at Person With Disabilities (PWD).

Pinuna ni Go na, sa kasalukuyang sistema, pumipila pa ang mga mahihirap na Pilipino sa iba’t-ibang opisina at sumasagot ng sangkatutak na mga form para lang humingi ng tulong sa pamahalaan. “Ubos na ang pera nila, ubos pa ang panahon nila. Sa Malasakit Center, mas pinasimple na ang proseso. ‘Yang tulong naman na iyan, pera nila ‘yan. Ibinabalik lamang natin sa kanila,” ang dagdag niya.

Samantala, dinalaw ni Sen. Go ang mga kapwa Pinayuhan din niya ang kanyang mga kababayan na magtungo sa mga malapit na Malasakit Center at gamitin ang medical financial assistance na ibinibigay ng mga ahensiya ng gobyerno.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 46 Malasakit Centers sa buong bansa at sinabi ni Go na may isa pang bubuksan ngayong araw sa Tagum City.

vuukle comment

SENIOR CITIZEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with