Indian president nasa Pinas
MANILA, Philippines – Nag-courtesy call kahapon kay Pangulong Duterte sa Malacañang ang bumibisitang si Indian President Ram Nath Kovind na nasa bansa para sa limang araw na state visit.
Bago nagtungo sa Palasyo ang Indian president ay nag-alay muna ito ng bulaklak sa bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Luneta.
Nagkaroon ng bilateral meeting ang 2 lider at sinaksihan nito ang paglagda sa mga kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at India.
Kasunod nito ang joint press statement ng dalawang lider bago pumunta sa state banquet o dinner.
Bukod sa pagbisita sa Palasyo, ay makikipagkita ngayon ang Indian president sa liver transplant patients, ilang beneficiaries ng Mahaveer Philippines Foundation, at dadalo sa Philippine-India Business Conclave and 4th ASEAN-India Business Summit sa isang hotel sa Makati City.
Pagsapit ng Linggo, sasaksihan ng Indian president ang installation ng sculpture ni Mahatma Gandhi sa Miriam College at makikipagpulong sa Indian community.
- Latest