^

Bansa

‘Spot checking’ ng CSC walang mali - ARTA chief

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

Buwelta kay Sotto

MANILA, Philippines – Walang mali sa spot checking ng Civil Service Commission (CSC) sa alinmang tanggapan ng gobyerno katulad ng Senado.

Ito ang paninindigan ni Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director General Jeremiah B. Belgica sa isyu ng fact-checking ng CSC sa Senado o maging ang ipinatutupad nitong surprise visits sa mga tanggapan ng gobyerno.

Sabi ni Belgica, kung ang ordinaryong indibiduwal nga o taxpayer ay may karapatan na kumustahin ang serbisyo o trabaho ng isang ahensiya ng gobyerno, lalo pa marahil ang Civil Service Commission na siyang nagsusulong at nagtitiyak ng maayos at dekalidad na serbisyo publiko ng mga tanggapan ng gobyerno.

Giit ni Belgica, kung wala namang itinatago ay dapat maging bukas ang lahat ng tanggapan ng gobyerno sa spot checking. 

Sa katunayan ay kanya rin hinihimok ang lahat ng government regulatory agencies at disciplining bodies katulad ng CSC na magsagawa ng pagsusuri sa mga opisina ng pamahalaan.

Layunin lamang naman aniya ng spot checking na masiguro na corrupt-free o ligtas sa katiwalian ang mga tanggapan ng gobyerno.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang pahayag ni Senate President Vicente Sotto III na dahil sa separation of powers ng Lehislatura at Ehekutibo ay walang hurisdiksiyon ang CSC para magdaos ng inspeksiyon sa Senado.

Ipinunto pa ni Belgica na katulad ng CSC, sila sa ARTA ay may sariling charter na sinasaligan.

Kanya ring ipinunto ang Executive Order for Freedom of Information ni Pangulong Duterte na nagbibigay laya sa sinumang mamamayang Filipino na suriin ang tanggapan ng gobyerno sa layunin ng “transparency”.

vuukle comment

SPOT CHECKING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with