^

Bansa

Mababang oxygen, salinity level sanhi ng ‘fish kill’ sa Cavite-BFAR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Ang pagbaba ng oxygen at salinity level ang sanhi ng naganap na ‘fish kill’ kamakailan sa baybayin ng Bacoor at Sangley Point sa Cavite.

Ito ay ayon sa Bureau of Fisheries and Aqua­tic Resources (BFAR) na batay sa resulta ng ginawang pagsusuri ng Fisheries Protection and Law Enforcement Group (FPLEG) at ng National Fisheries Laboratory Division (NFLD) gayundin ng technical personnel ng BFAR Region 4A  hinggil sa insidente.

Ayon sa BFAR, nakapagtala lamang ng level of salinity sa nabanggit na baybayin ng 19-25 parts per thousand (ppt) na mas mas mababa sa required salinity level para sa mga lamang dagat para mabuhay na 27-35 ppt.

Binigyang diin ng BFAR na ang matinding buhos ng ulan nitong mga nagdaang araw ang nagdulot ng pagbaba ng alat ng tubig sa karagatan ng Cavite .

Bukod dito, nakitaan rin ng BFAR na mababa ang dissolved oxygen levels sa lugar at may high concentrations ng  ammonia at phosphates mula sa water samples na kinuha doon.

Ang naturang mga kemikal umano ay nagdulot din ng mala­king epekto sa buhay ng mga lamang dagat.

Gayunman, wala namang red tide sa Manila bay kaya’t ligtas kainin ang shellfish meat mula sa baybayin bastat hugasan lamang nang mabuti bago lutuin at kainin.

vuukle comment

BFAR

BUCOR

NFLD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with