^

Bansa

Obrero todas sa kabaro

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Patay ang isang cons­truction worker matapos gulpihin ng kanyang kasamahan sa trabaho nang magkapikunan sa kanilang inuman sa cons­truction site sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Dahil sa tinamong matinding pinsala sa ulo, dead-on-arrival sa Ospital ng Malabon ang biktimang si Bongbong Caliso, nasa hustong gulang, at stay-in sa construction site sa No. 7 Allan St., Gabriel Subdivision, Brgy. Hulong Duhat, ng natu­rang lungsod.

Sa kalaboso naman ang bagsak ang itinuturong nakapatay sa biktima na si Jericho Balsa, 18, ng Sto.Niño St., Brgy. Perez, Meycauaya, Bulacan at kasamahan nitong si Norwen Magboo, 19, nakatira naman sa Tranka St., Brgy. Pinagsibuan, Rosario, Batangas. Pini­gilan umano ni Magboo ang isang kapwa obrero na nagtangkang umawat habang ginugulpi ni Balsa si Caliso.

Sa ulat ng Malabon City Police, naganap ang krimen dakong alas-6:25 ng gabi sa construction site sa No. 7 Allen St., Gabriel Subdivision, Brgy. Hulong Duhat, ng natu­rang lungsod kung saan nag-iinuman ang biktima, mga suspek at iba pang kasamahan sa trabaho.

Ayon sa saksing si alyas “Daijin”, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at sa suspek na si Balsa.  Umiwas na lamang si Caliso na pumasok sa kanilang barracks ngunit sinundan siya ni Balsa saka doon ginulpi nang sapakin sa ulo at ihampas ang ulo sa semento.  Tinangkang umawat ng saksi ngunit pinigilan naman umano siya ni Magboo.

Agad na tumakas ang dalawang suspek makaraang tuluyang mawalan ng malay ang biktima na isinugod sa pagamutan ngunit idineklarang patay habang nadakip naman ang dalawang suspek sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with