^

Bansa

Albayalde bumaba na sa puwesto

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Albayalde bumaba na sa puwesto
Nagbigay ng mensahe ng pamamaalam si outgoing Philippine National Police Chief Gen. Oscar Albayalde sa harap ng mga tauhan ng PNP sa flag-raising ceremony sa Camp Crame sa Quezon City.
Kuha ni Boy Santos

MANILA,Philippines — Matapos ulanin ng kaliwa’t-kanang kontrobersiya tulad ng sa ‘ninja cops’ at recycling ng droga, nagdesisyon  nang bumaba sa puwesto si Philippine National Police Chief Police General Oscar Albayalde na epektibong nasa non-duty status mula kahapon mas maaga nang tatlong linggo sa kaniyang pormal na pagreretiro sa serbisyo.

Sinabi ni Albayalde na ang kaniyang desisyon ay naglala­yong bigyang daan ang pormal na pagpili ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ng susunod na hepe ng PNP.

Si Albayalde ay nakatakda sanang  magretiro sa Nobyem­bre 8 pagsapit ng kaniyang ika-56 taong kaara­wan.

Nagpahayag ng pasasalamat si Alba­yalde kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtitiwala at kumpiyansa nito sa kanya at pagbibigay sa kanya ng oportunidad na mamuno sa PNP at maglingkod sa mga Pilipino.

Nanawagan din si Albayalde sa mga pulis na ipagpatuloy ang paglilingkod sa kapwa nila Pilipino at huwag magpademoralisa sa mga hamon.

Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ni Albayalde na ang pagbibitiw sa puwesto bilang hepe ng PNP ang pinakamagaling na desisyon para panga­lagaan ang morale ng police force.

Sinabi pa niya na sa paglisan sa PNP ay nakakaluwag siya sa stress habang nila­labanan niya ang mga alegasyon na prinotektahan niya ang kanyang mga tauhan na naakusahang nagbebenta ng mga nakukumpiskang droga.

Idinagdag niya na sa kanyang desisyon ay mailalayo ang PNP sa ibayong demora­lisasyon.

Sinabi naman ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na nais na ni Albayalde na sumailalim na sa Non-Duty Status simula pa noong nakalipas na linggo.

Inamin ni PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na personal ang dahilan at bunga na rin ng pagdadawit kay Albayalde sa ‘ninja cops’ kaya pinili nitong mag-avail ng Non -Duty Status (NDS).

Nitong Lunes ay nagkaroon ng sim­pleng turnover ceremony nina Albayalde at Gamboa na pinangunahan ni Año.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE CHIEF POLICE GENERAL OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with