Road clearing ops tuloy – Department of Interior and Local Government
MANILA,Philippines — Tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) na magpapatuloy ang national road clearing program at siniguro na quarterly ang gagawing validation sa mga local government units.
Kinumpirma ng DILG na sa darating na Disyembre gagawin ang panibagong validation.
Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, na ito ang challenge ngayon sa mga local government officials para i-maintain ang kalinisan sa kalye.
Bagamat marami pa ang dapat gawin, pinuri naman ni Pangulong Duterte ang DILG dahil sa matagumpay ang kampanya.
?Nuong Biyernes, iniulat ng DILG na nasa 1,148 LGUs nationwide ang pumasa habang 97 LGUs ang makakatanggap naman ng show cause orders dahil sa walang ginawa sa road clearing operations.
Nasa 6,899 na mga kalye sa buong bansa ang cleared for obstruction.
Sa datos ng DILG, 328 LGUs ang nakatanggap ng high compliance rating, 497 ang nakakuha ng medium compliance rating, 323 LGUs ang may low compliance rating at 97 ang hindi nakapasa.
- Latest