30K bata sa anti-polio
MANILA, Philippines — Kabuuang 30,000 bata ang tuturukan ng polio vaccine ng Philippine Red Cross.
Ayon kay PRC Chairman at CEO Richard Gordon, may 550 trained volunteers at staff sila na hahatiin sa 4-men teams, at ipapakalat para sa naturang mass immunization na idaraos mula Oktubre 14 hanggang 27 sa National Capital Region (NCR) at mga lugar sa Mindanao gaya ng Davao del Sur, Davao City, at Lanao del Sur.
Target nilang mabakunahan ang may 30,000 bata.
Sa ngayon aniya ay naipamahagi na nila sa lahat ng PRC chapters sa NCR at piling Mindanao areas, ang mga support items para sa mass vaccination activity gaya ng dossarts, masks, gloves, alcohol, at vaccine carriers.
- Latest