^

Bansa

Mga isda mula sa Manila Bay ‘wag munang kainin - Bureau of Fisheries and Aquatic Resources

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — “Huwag munang bibili at kakain ng mga isda na mula sa Manila Bay”.

Ito ang panawagan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko bu­nga na rin ng mga isdang naglutangan sa Manila Bay partikular sa may baybayin ng Las Piñas at Parañaque.

Ayon sa BFAR, ipinasusuri pa ng tanggapan ang ugat ng fish kill sa Manila Bay kayat habang hindi pa alam ang ugat ng pagkamatay ng mga isda sa baybayin ay kailangan munang iwasan ang pagkain ng mga isda mula rito.

Hanggang ngayon ayon sa BFAR ay hindi pa batid ng ahensiya kung ligtas kainin ang mga isda  mula sa naturang baybayin.

Nitong Huwebes, iba’t ibang uri ng patay na isda ang nakita sa baybayin ng Las Piñas at Parañaque sa Manila Bay.

vuukle comment

BFAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with