^

Bansa

Mas mataas na sahod ng nurse kinatigan ng SC

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Mas mataas na sahod ng nurse kinatigan ng SC
Idineklara ng Supreme Court na balido ang Section 32 ng Philippine Nursing Act kung saan itinatakda sa salary grade 15 ang minimum na pasahod sa mga nurses mula sa kasalukuyang salary grade 11.
Edd Gumban/File

MANILA, Philippines – Pinagtibay ng Korte Suprema ang probisyon ng Philippine Nursing Act of 2002 na nagtatakda ng mas mataas na salary grade para sa mga nurses.

Idineklara ng Supreme Court na balido ang Section 32 ng Philippine Nursing Act kung saan itinatakda sa salary grade 15 ang minimum na pasahod sa mga nurses mula sa kasalukuyang salary grade 11.

Gayunman, hindi pinagbigyan ng  Mataas na Hukuman ang kahilingan ng mga petitioners na atasan nito ang pamahalaan na ipatupad ang probisyong ito ng batas.

Sinabi ng Korte Suprema na kailangang magpasa ng batas ang Kongreso para sa pondong gagamitin sa implementasyon ng mas mataas na sahod para sa mga nurses.

Matatandaang inihain ng Philippine Nurses Association ang dagdag  na sahod upang hindi na magdalawang-isip pa ang mga kabaro na maghanap ng trabaho sa ibang bansa.

Samantala, 16 na kongresista na ang naghain ng mga panukalang batas na naglalayong taasan ang buwanang sahod ng mga nurse sa P30,000. Gemma Garcia

 

vuukle comment

NURSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with