‘Albayalde sinungaling’ - Magalong
MANILA, Philippines – Harapang sinabihan kahapon ni dating Criminal Investigation and Detection Group Chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Oscar Albayalde na palaging nagsisinungaling.
Ayon kay Magalong, wala umanong ginawa si Albayalde kundi mag-deny tungkol sa naging papel nito sa isyu ng recycling ng mga nakumpiskang ilegal na droga na nakuha sa raid sa Mexico, Pampanga noong 2013.
Sinabi ni Magalong na nagsinungaling umano si Albayalde tungkol sa papel nito sa kontrobersiyal na drug operation habang ginagawa ang deliberasyon para sa kanyang one-star promotion noong 2016.
Ayon pa kay Magalong, nagsinungaling din umano si Albayalde nang itinanggi na tinangkang pigilan si Philippine Drug Enforcement Authority (PDEA) director general Aaron Aquino, dating Central Luzon police chief, para hindi matuloy ang implementasyon ng dismissal order laban sa 13 pulis.
- Latest