^

Bansa

70 tauhan ng SAF itinalaga sa bilibid

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
70 tauhan ng SAF itinalaga sa bilibid
Ang mga tauhan ng PNP-Special Action Force (SAF) sa isinagawang ‘changing of guard’ ceremony sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa kahapon.
Kuha ni Russell Palma

MANILA, Philippines – Nasa 70 bagong tauhan ng PNP-Special Action Force (SAF) ang itinalaga kahapon para magbantay sa mga kritikal na lugar sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Ang mga bagong guwardiya ng NBP ay mga miyembro ng 33rd Special Action Company at 3rd Special Action Battalion (33 SAC, 3 SAB).  Papalitan nila ang mga dating SAF personnel na nagbabantay sa Bilibid.

Pinasalamatan ni Bureau of Corrections (Bucor) Director Genral Gerald Bantag sina National Capital Regional Police Office Director P/Maj. Gen Guillermo Eleazar at SAF Director P/Maj. Gen. Clifton Empiso sa pagpapahiram ng mga tauhan para sa layuning matanggal ang korapsyon at iba pang modus-operandi sa bilangguan. 

“Wala naman akong masasabi sa dating SAF na nandito kaso kailangan nating gawin ito para ma-refresh kayo at fresh blood naman ang susunod para sa pagbabago ng BuCor,” ayon kay Bantag.

Hinamon ni Bantag ang mga bagong guwardiya buhat sa SAF na pangatawanan ang pagiging SAF. 

“Dito kailangan maging matibay ka sa lakas at dami ng suhol. Hindi ka naman mamamatay kung tanggihan yun diba,” giit pa niya.

 Inilagay ang mga bagong SAF guards sa mga tore at lahat ng entrada at labasan ng Bilibid maging ang pag-iinspeksyon sa mga dalaw.

Nabatid na ang 70 bagong tauhan ng SAF ay parte pa lamang ng pagpapalit ng naunang 200 SAF personnel na una nang naitalaga sa NBP noong 2016.

 

vuukle comment

SAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with