^

Bansa

Singil sa kuryente tataas ngayong Oktubre

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tataas ngayong buwan ng Oktubre ang singil sa kuryente ng  Manila Electric Company (Meralco).

Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, apat na sentimo o P0.0448/kwh ang idadagdag nila sa kanilang singilin sa October bill kaya’t mula sa dating P9.0414/kwh ay magiging P9.0862/kwh na ang kanilang overall electricity rates.

Anang Meralco, ang dagdag-singil ngayong buwan ay katumbas ng P8.96 na bayarin para sa mga tahanang kumukonsumo ng 200kwh kada buwan; P13.44 sa mga nakakakonsumo ng 300kwh; P17.92 naman sa mga nakakagamit ng 400kwh at P22.40 naman para sa kumukonsumo ng 500kwh na kuryente kada buwan.

Patuloy namang nananawagan ang Meralco sa mga consumers na magtipid sa konsumo ng kuryente.

 

vuukle comment

KURYENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with