^

Bansa

Street sweeper inararo ng SUV, lasog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lasog ang isang street sweeper matapos na mabang-ga ng isang SUV habang nagwawalis ng kalsada sa Brgy. Payatas, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

 Naputol ang kaliwang hita at kaagad ding binawian ng buhay ang biktimang nakilalang si Marilyn Pareño, 60, at residente ng Sorsogon St., Group 6, Area B, Brgy. Payatas.

 Samantala,  arestado naman ang suspek na si Charmaine Ybañez, 25, call center employee, at residente ng Eastwood Greenview Subdivision, Brgy. San Isidro, Montalban, Rizal.

 Batay sa ulat ng Traffic Sector 5 ng Quezon City Police District-District Traffic Enforcement Unit, nabatid na dakong alas-5:30 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa tapat ng isang tindahan sa Payatas Road, pagitan ng Samar at Leyte Sts., Group 7, sa Brgy. Payatas.

 Sa imbestigasyon ni P/SSg Leonardo Policarpio, nabatid na bago ang aksidente ay minamaneho ng suspek ang isang Ford Everest Wagon, at binabagtas ang Payatas Road, mula sa Litex Road patungong Montalban, nang pagsapit sa naturang lugar ay biglang mahagip nito ang biktima, na noon ay nagwawalis ng kalsada.

 Nagdire-diretso pa ang behikulo at tuluyang inararo ang tindahan, na nagresulta sa pagkasira nito at maging ng kanyang sasakyan.

Kaagad namang nadakip ng mga awtoridad ang suspek na sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property sa piskalya.

vuukle comment

SUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with