^

Bansa

Duterte umamin sa kanyang muscle disease

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Duterte umamin sa kanyang muscle disease
“Isa itong nerve malfunction at nakuha ko ito sa lolo ko,” paliwanag niya. “Kaya naniniwala ako, nasa lahi namin.” Dahil sa naturang sakit, lumalaylay ang talukap ng kanyang mata at nanghihina ang kanyang kalamnan.
File

MANILA, Philippines — Isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa kanyang pagharap sa Filipino community sa Russia noong Sabado na meron siyang sakit na myasthenia gravis na karaniwan na sa kanyang pamilya.

“Isa itong nerve malfunction at nakuha ko ito sa lolo ko,” paliwanag niya. “Kaya naniniwala ako, nasa lahi namin.” Dahil sa naturang sakit, lumalaylay ang talukap ng kanyang mata at nanghihina ang kanyang kalamnan.

Ang Myasthenia gravis ay isang rare chronic, neuromuscular at autoimmune affliction nagiging sanhi ng skeletal muscle weakness lalo na sa mga kalamnan sa eye control at facial movement.

“’Yung isang mata ko, umiikot kung saan-saan pumupunta,” sabi pa ng president.

Pero sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na walang dapat ikabahala sa naturang sakit ng Pangulo. Karaniwan anya itong kundisyong pangkalusugan ng mga matatanda.

“Karaniwang sakit lang ng matatanda. Magkakaroon kayo niyan pagtanda ninyo,” dagdag ni Panelo.

Samantala, maging ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte ay tinatamaan din ng sakit na dengue.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa media interview kamakalawa ng hapon sa Davao City na tinamaan ng dengue ang kanyang bunsong anak na si Kitty.

“Kailangan kong tignan si Kitty. Meron siyang dengue. Pero nasa safe level na siya nga­yon,”  wika ni Pangulong Duterte matapos ang media interview sa Davao City.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with