^

Bansa

Batas para sa pagtatago ng mga CCTV footage iginigiit

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Batas para sa pagtatago ng mga CCTV footage iginigiit

MANILA, Philippines — Upang matiyak na magagamit na ebidensiya sa korte, nais ni Senator Leila de Lima na magkaroon ng batas na titiyak na maitatago nang mabuti ang mga data recording mula sa closed circuit television (CCTV) cameras.

Naniniwala si de Lima na dapat mai-preserve at maprotektahan ang mga images at recordings na maaring magamit sa mga imbestigasyon at prosekusyon ng krimen.

Naniniwala si de Lima na malaki ang maitutulong ng mga CCTV footages sa pagresolba ng krimen at pagbibigay ng hustisya sa mga biktima ng karahasan.

Ang panukala ay tatawaging “Security Camera Evidence Preservation Act” kapag naging batas.

Nais ni de Lima na matiyak na hindi mabubura ang mga video recordings ng mga criminal activities na kalimitang pinasisira ng mga gumawa ng krimen upang hindi sila mahabol.

Inihalimbawa ni de Lima ang kaso ng pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa sa loob ng selda nito at ang pagkakasangkot ng isang RCBC branch sa paglilipat ng ninakaw na pera mula sa Bangladesh bank na kapwa kuwestyunable ang pagkawala ng mga CCTV footages.

vuukle comment

CCTV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with