^

Bansa

Pinakamatandang patrol ship ng Philippine Navy pinagretiro na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Pinakamatandang patrol ship ng Philippine Navy pinagretiro na
Sa isinagawang decommissioning ceremony ng Philippine Navy sa pantalan ng Captain Salvo sa Naval base sa Cavite, pormal nang nagretiro ang BRP Cebu matapos ang 71-taong pagpapatrulya sa karagatan ng bansa at pagseserbisyo sa tropa ng Philippine Navy.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tuluyan nang nagretiro sa serbisyo ang pinakamatandang fighting ship ng Philippine Navy na BRP Cebu o PS28.

Sa isinagawang decommissioning ceremony ng Philippine Navy sa pantalan ng Captain Salvo sa Naval base sa Cavite, pormal nang nagretiro ang BRP Cebu matapos ang 71-taong pagpapatrulya sa karagatan ng bansa at pagseserbisyo sa tropa ng Philippine Navy.

Ang BRP Cebu ang pi­nakamatandang barkong pandigma na bago pa inilipat sa Philippine Navy taong 1948 na nagpatrulya sa karagatan sa bansa ng 71 taon, ay unang nagserbisyo ito bilang war ship ng United States Navy noong World War II.

Kabilang sa mga na­ging malaking accomplishment ng BRP Cebu ay ang search and rescue (SAR) operations para sa mga sakay ng lumubog na MV Princess of the Stars ng Sulpicio Lines, sa karagatang sakop ng San Fernando, Romblon sa kasagsagan ng bagyong Frank noong Hunyo 22, 2008.

Inaasahan naman na sa pagreretiro ng barko ay magbibigay-daan ito sa pagpasok ng bagong assets ng Philippine Navy bilang bahagi ng patuloy na modernization program ng gobyerno.

vuukle comment

PHILIPPINE NAVY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with